Manga Fever!!!!

I really adore my cousins reading manga online and also with my friend collecting manga books that has already covered her 1 whole shelf. I’m not really into reading so I’m just observing them why and how reading manga is so much a trend to them. This semester I got preoccupied to my studies but then I got got bored one time and decided to do something unusual to my hobbies. I tried reading manga online and I chose Kare Kano because during my highschool days, I have watched it on T.V. and I really had fun with its story but the T.V. channel ended the anime program incomplete so I decided to read it and see its last part and now I’m so into it! I really love how the drawings were made so creative and it made me laugh all the time because this story has really weird characters which I love. Having reading it most of my free time made me want to be like Yukino Miyazawa, the protagonist of the story. I recommend you guys to read this manga to those who are so stressed and tired right now or to those who just wanted to have new things to discover or to those who just want to have some fun. Enjoy!

Saturday Aug 6 @ 10:16am
Tuesday Jul 26 @ 12:30am
Tuesday Jul 26 @ 12:29am
Pamahiin

Dito sa Pilipinas uso ang mga pamahiin na kadalasang maririnig sa mga lolo, lola, nanay at tatay natin. Wag ka daw mag-walis pag 6pm onward na o kaya pag dadaan ka sa creepy na lugar magsasabi ka ng “tabi-tabi po” tapos pag nasa probinsya ka at ika’y buntis, pag matutulog ka siguraduhin mong may panakip ka sa tiyan mo. Kadalasang ginagamit ng mga buntis sa probinsya ay ang kawali. Proteksyon ito sa aswang na maaring kumuha sa kanilang nasa sinapupunan. Wag ka daw magbabayad ng utang kapag Lunes dahil paniniwala nila ay magbabayad ka daw ng buwis sa matagal na panahon. Ilan lang yan sa mga pamahiin ng matatanda na hanggang ngayon ay napipilitan sundin ng mga bagets dahil para sa mga kabataan, hindi naman raw ito totoo lalo na’t wala namang mga ganyang pamahiin sa ibang lugar o bansa. Pero may nangyari sa akin na kakaiba at nasabi kong dapat pala talaga ay sinusunod ko ang mga pamahiin na iyon.

Isa sa mga pamahiin ng mga Pinoy ay ang pag-kagat sa puno, pag-kwento sa kahoy ng pabulong tungkol sa iyong panaginip o pag-kagat sa mansanas pag ikaw ay nakapanaginip ng nabunot ang ngipin mo. Naniniwala sila na ang mabunot ang ngipin sa panaginip ang kapalit ay kamatayan sa nalalapit mong kapamilya o kaibigan o kakilala man lang at sa pamamagitan ng pagkagat sa puno o mansanas o kaya pag-kwento ng iyong panaginip sa kahoy, hindi na ito mangyayari. 

2nd year high school ako at that time and I dreamed about many tooth na nalalagas sa gums ko. It was the 1st time that I dreamed about that but I was aware sa pamahiin na dapat gawin pag gano’n pero isa akong pasaway na bata at di naniniwala sa mga ganung sabi-sabi. Hindi ko pinansin yun at kwinento ko pa sa pamilya ko. Pinagsabihan pa nga ‘ko ni mama na dapat di ko kwinento at dapat ginawa ko na lang yung pamahiin. At that time I want to prove them na hindi totoo yung pamahiin na yun pero nagkamali ako. Sila pa ang nakapag-patunay na totoo ang pamahiin na ‘yon. Days passed after ako nakapanaginip ng ganun at kwinento ni mama na namatay daw yung yaya ni papa na matagal na nagsilbi sa kanya. I freaked out nung nalaman ko yun. I said to myself “Buti na lang wala sa pamilya ko yun o kaibigan.”. After that incident, sinunod ko na ang mga pamahiin ng matatanda. HINDI PA TAPOS KWENTO KO, teka lang!

Nung 3rd year high school naman ako, nakapanaginip uli ako na nabunutan ako ng ngipin. Since ayoko na mangyari uli yung dati, kinagat ko yung puno ng mangga sa labas ng bahay namin. Ang puno na iyon ay may dalawang malaking sanga at yung isang malaking sanga nun, dun ako kumagat. ETO ANG FREAKY PART. After ilang araw, yung part na kinagat ko sa puno namatay. Naglagas at natuyot yung parte ng puno na kinagatan ko (which is yung isang sanga lang dun sa puno na may dalawang sanga.) I was like PANO NANGYARI YUN?! Isang part lang nung puno yung namatay at yung part pa na kinagatan ko. Grabe totoo pala talaga yun. So ang nangyari, walang namatay na kamaganak, kaibigan o kakilala. Ang namatay yung puno ng mangga namin.

Ang natutunan ko: Okay lang din maniwala sa pamahiin dahil wala naman mawawala sa’yo. Kung ayaw mo mawalan, maniwala ka sa pamahiin. Gets?!

Tuesday Jul 26 @ 12:22am
Ang Jeep Ni Manong Magiging Eroplano Rin

Last year, papunta ako ng school nun, sumakay ako ng jeep at di inaakalang may magbabago ng pananaw ko sa buhay sa isang napaka-simpleng araw lang n ‘yon. 

Sumakay sa jeep, umupo at nagbayad ng pamasahe sa driver. Mainit nun. Lahat ng pasahero sa jeep nagpapaypay gamit ang kanikanilang mga panyo o dalang folder. Traffic din nun at sigurado ako d’yan dahil lagi namang traffic mula sa Muntinlupa hanggang sa school ko sa Las Pinas. Habang nakahinto yung jeep namin, may lumapit na lalaki sa door side nung driver. Malamang kaibigan n’ya ‘yun and ako naman, as usual, tsismosa ang lola mo! Pinakinggan ko mga pinag-usapan nila. Ofcourse, the typical “Nakailang ikot ka na?”, “Marami bang pasahero sa Alabang?”, “Malaki na ba kita mo ngayong umaga?”. Araw-araw ko na naririnig yan sa mga driver pero eto, may narinig akong kakaiba nung araw na ‘yon.

Sabi nung kaibigan nung driver, “Pare! Umaasenso tayo ah! May look ang jeep mo, ayos ah!”. Sagot naman ng driver, “Syempre pare, para umasenso magsipag ‘di ba? Huh! Balang araw pare magiging eroplano rin ‘tong jeep ko!”.

“Magiging eroplano rin ‘tong jeep ko” ang nag-boom! sa tenga ko. With confidence pa n’yang sinabi ‘yon. Matibay ang loob ni manong. Alam n’ya kung anong gusto n’ya at pag-asa ang pinanghahawakan n’ya sa pag-abot ng pangarap n’ya bukod sa pagiging masipag. From that day sabi ko sa sarili ko, gagawin kong inspiration si manong. Galing n’ya eh! Kung ang jeep n’ya magiging eroplano, ako, yung tsinelas ko na manipis na pwede ring maging mamahaling rubber shoes! O kaya ang bahay kubo ni manang pwede ring maging mansyon! Kung dati ay sa youtube lang nakakakanta si kuya, pwede na s’ya ngayon maging international singer! Si ate na may karinderya sa kanto, balang araw magiging restaurant din ‘yon! Ganun ‘yun eh! Nag-lelevel-up na tayo ngayon eh! 

Ang sarap mangarap ano?! Ginanahan akong mangarap ng malaki dahil kay manong pero sa panahon ngayon, hindi ako nakasisigurado na maaaring mangyari ‘yon pero dahil sa narinig ko kay manong, lumakas ang loob ko na humarap sa buhay kahit ang pinanghahawakan ko lang ay ang pag-asa sa aking puso at isip. Dito ako huhugot ng mga posibilidad sa pag-unlad ko. 

Monday Jul 25 @ 11:34pm

Success does not count whenever you got your big salary and bought new stuffs. Success counts whenever you are able to help other people and if they do the same as well. Success will be success if a person has done good things for others and that would be the greatest treasure of your life.

Monday Jul 25 @ 11:33pm
Reblog if you want “have you evers” in your ask box. Sunday Jul 10 @ 12:57am
Friday Jul 8 @ 12:05pm
Friday Jul 8 @ 12:05pm
Friday Jul 8 @ 12:05pm
next


powered by tumblr | themed by fusels